Release of chattel mortgage - buying 2nd hand car

hi po. Kagabi may binayaran kami na sasakyan. Mejo complicated po sya para sa mga natural na buyer dahil ma-hassle ito pag wala kang tagalakad na marunong sa ganitong uri. kaya share ko po ah, para makatulong nawa! Seller's side: merong dalang CERTIFICATE OF REGISTRATION (CR), 2017 OFFICIAL RECEIPT, TPL at iba pang minor na documento na nakapangalan sa kanya. In short, pwedi ng bayaran ang unit. Ngunit, nung tiningnan namin ang CR, nakapangalan sa kanya pero may nakalagay na ENCUMBERED to BANCO DE ORO UNIBANK. So, hiningian namin sya ng Release of Chattel Mortgate at promissory note if meron. Wala syang maibigay na Release of Chattel Mortgage kasi wala daw ibang binigay sa Misis nya apart from the Orig. OR at CR. INFO: pag loan/financed po ang sasakyan kukunin ng banco ang CR at ipapa annotate, ang purpose nito ay upang di mo maibenta sa iba dahil may nakabinbin ka pang utang sa kanila at yang sasakyan ang collateral. Kaya pag may nakalagay na ENCUMBERED s...