Release of chattel mortgage - buying 2nd hand car

hi po.

Kagabi may binayaran kami na sasakyan. Mejo complicated po sya para sa mga natural na buyer dahil ma-hassle ito pag wala kang tagalakad na marunong sa ganitong uri. kaya share ko po ah, para makatulong nawa!

Seller's side: 

merong dalang CERTIFICATE OF REGISTRATION (CR), 2017 OFFICIAL RECEIPT, TPL at iba pang minor na documento na nakapangalan sa kanya. In short, pwedi ng bayaran ang unit.

Ngunit,

nung tiningnan namin ang CR, nakapangalan sa kanya pero may nakalagay na ENCUMBERED to BANCO DE ORO UNIBANK.


So,  hiningian namin sya ng Release of Chattel Mortgate at promissory note if meron.

Wala syang maibigay na Release of Chattel Mortgage kasi wala daw ibang binigay sa Misis nya apart from the Orig. OR at CR.

INFO: pag loan/financed po ang sasakyan kukunin ng banco ang CR at ipapa annotate, ang purpose nito ay upang di mo maibenta sa iba dahil may nakabinbin ka pang utang sa kanila at yang sasakyan ang collateral. Kaya pag may nakalagay na ENCUMBERED sa Cr, may utang po iyan / wala ng utang pero di pa na ma cancell sa Register of deeds.

sakit ispin bes!, pinaghirapan mong ma-fully paid ang sasakyan pero sa CR  may nakatatak ka pang utang. saklap

patuloy tayo..

actually, po pag na fully paid mo na sa bank or other institutions , kasabay na ibibigay sayo ang OR CR, RELEASE of CHATTEL MORTGATE , PROMISSORY NOTE. at ibang hindi importanteng dokumento. Mawala na po ang iba wag lang ang mga naka CAPSLOCK.

baka na misplace lang ni misis

pag nareceive mo ang mga copies, pinaka una pong gawin ay ipapacancel sa Register of Deeds ang Release of Chattel mortgate, para po mawala na CR ang tatak na ENCUMBERED.


after ng cancellation  :) pwede ka nang magparty. 


Buyer's Side

1. bago bayaran ang sasakyan, ipa hotline nio po muna upang malaman kung may alarm or apprehend ang sasakyan

text nio lang po

" LTO(SPACE)VEHICLE(SPACE)PLATENO" 
"" LTO VEHICLE KGG201  ""   AND SEND SA 2600 . dapat may extraload po na P2.50 para ma process

2. Ciguraduhin na ang nakapangalan sa CR ay ang mismong seller. wag po kayong kampante sa SPECIAL POWER OF ATTORNEY, may instances po kasi na ipapa alarm ni owner ang sasakyan kasi di nia alam na nka spa pala or whatever reason. panigurada lang po. kasi unang una sa deed of sale dapat makikita mong si owner ang pipirma at magbibigay din sya ng photocopied id na may tatlong pirma.

wag po bumili ng sasakyan na naka open deed of sale, if di nio kakilala ang ka transaksyon. marami pong nadali sa ganyan

3. dont forget to make and keep of the ACKNOWLEDGEMENT RECEIPT. patunay po yan for the mean time habang di pa notarized ang deed of sale

4. mas mabuti po kung alam nio ang bahay ni owner. para pag may kelangan/tanong  pa kayo regarding sa sasakyan in the future, may mababalikan po.

hanggang dito lang muna po


comment nio po sa baba kug ano pa dapat natin ilagay sa listahan

goodday po







Comments

  1. Tanong lang po, paano po kung hawak mo na yung or cr, release ng mortgage pero yun promissory note nawala na, neron pa po bang ibang paraan para mailipat sa ibang may ari at maalis yung encumbered sa cr? Slmt po.

    ReplyDelete
  2. Ask lang poh ung chattel mortgage ba ay as one page na pati promisory note?

    ReplyDelete
  3. Katulad ito sakin walang chattel mortgage...nahirapan akung e loan ang sasakyan ko😢😢😢..yan lang tlga ang kulang sakin...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tax Identification Number (TIN) lost - What to do and What to bring

Traveling from Davao City to Subic (SBMA) or Olongapo City