Traveling from Davao City to Subic (SBMA) or Olongapo City
Good day po kabayan
Ako po ay pabalik-balik sa Subic kaya, naisipan ko po magsulat nito upang makatulong sa mga First-timer or yung matagl nang di nakabalik sa lugar.
ito po ang route: Davao > Clark > Dau terminal > Subic > Olongapo
1. From Davao Airport po, take AIRASIA flight bound to Clark Airport, pinaka maaga na ang 6:05am na lipad.
Bakit Airasia ? mas mura po kasi kompara sa PAL , paminsan minsan din naman po mas mura si PAL kaya check nio lang po sinong mas mura sa araw ng gusto niong lipad.
![]() |
dalawa po kami nagbook kaya each po is P2,514.00 kasali na jan ang terminal fee na P200.00 |
2. Pag andun na po kayo sa Clark Airport
sakay kayo jeep, P100 PER HEAD PO papuntang Dau terminal,
yung jeep nakaparada 15meters right side pagkalabas po ng airport exit
take note: wala pong bus or jeep sa airport na deritsong subic unless papakyawin nio po ang taxi
wag ho kayo padadala sa mga sulsol ng taxi drivers
ito iilan sa mga linya nila:
" Maam/Sir, 500 lang po papuntang Dau mamaya pa po mga 12noon ang mga jeep"
" Maam/Sir taxi lang po bumabyahe dito"
" Maam/Sir mura na po ang 400, kayo po?"
palagi po may byahe na jeep jan back ang forth , baka ma tiempohan po na on da way pa ang jeep kaya hintay -hintay , or magtanong kay manong guard
3. Pag nakasakay na ng Jeep, dalawa po babaan either sa harap ng terminal (gilid ng Jollibee) or sa likuran ng terminal. nakadepende po yan sa driver ng jeep.
Hanapin nio po ang Victory Liner na may nakalagay na sign OLONGAPO via SCTEX .
sa dulo po or likuran ng terminal naka parada ang victory liner.
P140.00 po ang fare (DAU-OLONGAPO)
kelangan po may SCTEX na sign, if gusto nio po di na dadaan sa bayan-bayan ang bus
aabot po ng halos 1hour and 20minutes ang byahe
kaya dont forget your foods and drink
4. para sa baba ng Subic , mainam po na babaan ang HARBOR POINT, para makakain at shopping muna , doon po may naka park na taxi
5. Sa mga papuntang Olongapo, magandang babaan sa SM or sa Terminal ng Victory mismo
-----------------------------------------------------------------------------------
Kung kayo po ay sasali ng bidding sa United auctioneers or Asia Int'l Auctioneers
makakamura po kayo ng tatlong beses kung sa olongapo po kayo maghohotel.
Visit nio po GRANNY'S INN sa harap ng SM . P 1200.00 24hrs
P150.00 lang po pamasahe from SM olongapo to Auctioneers
P100.00 naman po kung sa harbor point po kayo sasakay ng taxi. yun nga lang po lalakad papo kayo sa initan .
kaya nasasa inyo po ang choices
Godbless and Goodluck po sa trip
ps: wag mag atubiling mag comento sa ibaba para sa mga katanungan
Comments
Post a Comment